CAMARINES NORTE- Ipinaliwanag ng Camarines Norte Electric Cooperative kung saan napupunta ang ibinabayad ng mga kunsumodires sa kanilang bill sa kuryente.
Ito ay sa harap na rin ng magkakasunod na buwan na tumaas ang billing rates na inaalmahan ng mga kunsomidores.
Ayon sa Canoreco ang taripa ng kuryente ay binubuo ng iba’t ibang components alinsunod sa Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Sa pagpapatupad umano ng probisyon ng Republic Act no. 9337, may mga pagbabago na itinakda ayon sa National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.
Ito ay ang implementasyon ng Value Added Tax o VAT sa taripa ng kuryente na nagsimula noon pang November 2005 billing.
Dapat umanong tandaan na ang ang mga Distribution Utility gaya ng CANORECO ay collecting agent lamang at inireremit lang ang nakokolekta sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno , private entities at power suppliers.
May ilang components na napupunta sa Canoreco na siya namang ginagamit ng kooperatiba sa maintenance ng mga pasilidad gaya ng mga poste, kuntador , linya o distribution lines para mapanatili ang kaayusan nito.
Ang iba’t- ibang components na ito ay ang mga charges tulad ng Generation, Transmission, System Loss, Distribution, Supply System, Retail customer at metering.
Kabilang din sa mga components ay ang mga charges tulad ng Fit All, Lifeline Discount/Subsidy, Senior Citizen discount, GRAM ICERA, Value Added Tax Universal charge, at Reinvestment Fund for Sustainable CAPEX.
