Cancer clinic, binuksan sa So.Cot provincial hospital

KORONADAL CITY- BINUKSAN na ang Cancer Clinic sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH). Ito ay magbibigay ng edukasyon sa mga pasyente at publiko kaugnay sa cancer at kung paano ito maiiwasan.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Magbibigay din ito ng suporta at pagkalinga sa mga nakikipaglaban sa naturang sakit. Labis naman ang pasasalamat ni Dr. Ana Marie Tuburan, outpatient department head ng SCPH kay Dr. Noel Pingoy, isang oncologist sa tulong nito upang maisakatuparan ang pagtatayo ng Cancer Clinic.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, pinagsisikapan naman ng SCPH na makapagpatayo ng chemotherapy at blood transfusion unit sa buwan ng Abril.