Jungkook ng BTS, graduate na mula sa pag-aaral

Nagawaran ng Global Cyber University ang BTS member na si Jungkook ng pinakamataas na pagkilala matapos nitong makumpleto ang kaniyang degree sa ilalim ng Department of Broadcasting and Entertainment.

Sa seremonya na ginanap noong Huwebes, na hindi nadaluhan ng 24-year old South Korean superstar, ay iginawad sa kaniya ang President’s Award.

Base sa fan translations, ay sinabi ni Jungkook sa kaniyang pre-recorded acceptance speech, “Graduation is both a period and a beginning, but it is touching and exciting at the same time, Thank you for the valuable award, and I think learning something is always fun, wonderful, and exciting.”

Iginiit rin ni Jungkook na napapanahon na para habulin naman ang kanilang goal sa buhay.

Mababatid na sinimulan ni Jungkook ang pag-aaral nito sa Global Cyber University noong 2017.

Si Jungkook ay ang pinakabata mula sa mga miyembro ng global sensation na BTS.