Mga bagong batas, magbibigay ng equitable service sa healthcare – PRRD

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng gobyerno ang mga Pilipino ng “equitable” at “sustainable” na serbisyo sa healthcare matapos nitong pirmahan ang maraming batas na may kinalaman sa kalusugan.

Sa signing ceremony na dinaluhan ng mga miyembro ng Kongreso sa Malacañang ay pinirmahan ng Pangulo ang 16 na batas, kabilang na ang 13 na may kinalaman sa kalusugan at naglalayon na mataasan ang bed capacity ng mga ospital sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Iginiit ng Pangulo na health related ang tatlong batas at krusyal ito sa pagpapalakas ng kapasidad ng ating healthcare system sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Naniniwala naman ang Pangulo na magiging mas accessible na ang quality medical service
sa mga tao lalo na sa mga remote at far flung areas.

Mababatid na kabilang sa mga batas na nilagdaan ng Pangulo ay ang pagpapataas ng bed capacities sa Naguilian District Hospital, Rosario District Hospital, District Hospital, Sinait District Hospital at marami pang iba.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Nalagdaan din ng Pangulo ang batas na magtatatag ng Bocolod City General Hospital, Davao Occidental General Hospital, Conrado F. Estrella Regional Medical Trauma Center at iba pa.

Bukod sa mga batas na may kinalaman sa kalusugan ay nilagdaan na rin ng Pangulo ang franchise renewal ng Baycomms Broadcasting Corporation ng karagdagang 25 taon.

Ang Baycomms ay ang licensee ng Brigada Group of Comapnies para sa lahat ng mga radio at TV stations na hawak nito.