Pagpapatatag sa hanay ng Bureau of Fire Protection sa Rehiyong Bicol tututukan ngayon ng Chairman ng Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa Kamara

CAMARINES NORTE- Nais ngayong pagtuunan ng pansin ng Chairperson ng Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa Kamara ang mga aspeto na makapagpapatatag sa hanay ng Bureau of Fire Protection lalo na at maraming dumarating na sakuna sa rehiyong Bicol  dulot ng mga bagyo at pagputok ng bulkan.

kaugnay nito,  Isang mahalagang pagpupulong ang dinaluhan ni Cong. Josie Baning Tallado ng unang  Distrito ng Camarines Norte at sya ring chairperson na naturang komitiba, sa Taiwan na kasalukuyang pinagdadausan ng Joint Training Program on Managerial Fire Safety Administration.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Layunin ng pagpupulong na maiangat ang lebel ng propesyonalismo ng mga magigiting na bumbero at makakuha ng mahahalagang kaalaman para mas magampanan ang kanilang sagradong tungkulin na magligtas ng buhay hindi lang sa mga sunog, kundi pati na rin sa mga aksidente, trahedya o kalamidad.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kasama ng naturang kongresista si Cong. Maria Carmen Zamora na Chairperson ng Strategic Intelligence ng Kongreso at si Cong. Jonathan Keith Flores na Chairman naman ng Government Reorganization sa Kongreso.