CAMARINES NORTE – Nagkaroon ng pagpupulong at pakikipagdayalogo ang Camarines Norte Police Provincial office sa mga may-ari ng resort sa lalawigan ng Camarines Norte na ginanap mismo sa Lakan Hall, Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Dogongan, Daet Camarines Norte nitong February 21, 2022
Ang aktibidad ay pinanguhan mismo ni PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR, Provincial Diretor ng CNPPO kung saan tinalakay dito ang mga kinakaharap na isyu o mga problema ng ilang resort sa lalawigan at kung paano sila ay mabibigyan ng seguridad at maihahatid ang serbisyo ng kapulisan sa kanila.
Kabilang sa mga tinalakay ang:
- Mga aktibidad sa pangingikil ng CPP/NPA/NDF na target ang iba’t ibang may-
ari ng resort sa lalawigan;
- Pagpapatupad ng Executive Order Nr. 70 at Anti-terror Act;
- Istriktong pagsasanay para sa mga Security Guards, Life Guards at iba pang
paghahanda para sa kaligtasan at seguridad ng publiko;
- Mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga at posibleng mga
transaksyon ng mga drug personality sa ilang mga resort sa probinsya; at
- Pag-install ng CCTV Cameras at iba pang mga security barriers na pwedeng
ilagay para sa seguridad at kaligtasan ng mga bumibisita sa kanilang mga
resort.
Nagkaroon rin ng Election of New Set of Officers para sa mas organisadong samahan at pakikipag-ugnayan ng bawat may-ari ng resort sa probinsya ng Camarines Norte.
