Camarines Norte posibleng mag-host ng Palarong Bicol sa 2026

CAMARINES NORTE – Posibleng mag- host muli ang Camarines Norte ng Palarong Bicol sa 2026.

Ito ang inihayag ni Education Supervisor for MAPEH at Division Sports Coordinator Nelson Gomez sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Gomez irerekomenda pa  lang ng probinsiya na mag- host ito ng Palarong Bicol  kung kakayanin ng preparasyon.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Matatandaan na naunsyami ang pagho- host sana ng Camarines Norte noong 2020 dahil sa COVID- 19 pandemic ilang araw bago ang naka- schedule na Palaro.

Huling nag- host ng Bicol meet ang lalawigan noong 2010 at ito rin ang huling pagkakataon na hinirang na over- all champion ang lalawigan.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Gaganapin naman ang Palarong Bicol 2024 sa Abril sa tatlong Lungsod, Tabacco, Legazpi at Ligao.

Sa susunod na taon ay ang Sorsogon province naman ang host.