Pinaplantsa pa umano ng Embahada ng Pilipinas sa United States ang mga detalye ng planong pagbisita ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Washington.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, sinisikap umano nila ngayon na maisapinal na ito.
Matatandaan na noong Jan. 25, sinabi ni Romualdez na nagpapatuloy na ang paghahanda para sa posibleng pulong sa pagitan ng dalawang lider na pansamantalang itinakda sa Abril ngayong taon.
Dagdag nito, hindi pa malinaw kung ang pulong ay bahagi ng official o state visit, kung saan tatalakayin ang mga usapin sa ekonomiya at seguridad.
Unang nagkita sina Marcos at President Joe Biden noong September 2022 sa sidelines ng United Nations General Assembly sa New York.
