CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte
Sa ulat sa COVID-19 ng DOH Bicol kahapon, nasa 103 ang bilang ng recoveries dahilan upang sumampa na sa 2,308 ang total recoveries sa lalawigan
Ito ang pangalawa sa highest single day record of recoveries na naitala matapos ang 256 recoveries na iniulat ng DOH Bicol nitong miyerkules mula ng maranasan ang pandemya
Sa kabila nito, 10 bagong kaso rin ang naitala mula sa bayan ng Paracale na may apat, ang Daet ay nakapagtala ng tatlong bagong kaso habang may dalawa sa Talisay at isa ang nagmula sa Basud
Bagamat may naitalang bagong kaso mas malaki pa rin ang bilang ng mga niatalang gumaling kung kayat bumaba na sa 629 ang aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte
Wala namang nadagdag na kaso sa mga nasawi kung kaya’t nananatili ito sa bilang na 100
Sa kasalukuyan ang lalawigan ay mayroong 3,037 total cases
Paalala naman ng Department of Health sa publiko na huwag maging kampante sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19. Kasabay nito, patuloy na hinihimok nito ang mga mamamayan na hindi pa nababakunahan na makipag ugnayan na sa kanila- kanilang LGUs para mabigyan na ng schedule sa pagbabakuna.
