CAMARINES NORTE- Nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya si Unified Incident Commande/ Provincial Legal Counsel Atty Don Culvera sa ginawang pagkuwestyon ni DILG Regional Director Atty Anthony Nuyda sa panuntunang ipinapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Modeified General Community quarantine
Partikular nito ang pagoobliga sa lahat ng mga papasok sa Camarines Norte kabilang na ang mga APOR at mga Kawani ng Gobyerno na sumailalim sa Antigen Test
Ayon sa naturang opisyal, nakakalungkot isipin na ang inaasahan nilang ahensya na sya dapat anyang sumusuporta sa mga LGUs sa paglaban sa pandemya ay sila pa ang parang tumutuligsa at kumukuwestyon
Binigyang diin nito na ang Camarines Norte IMT at ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Egay Tallado ay prayoridad ang kaligtasan ng bawat residente ng probinsya.
Tahasang sinabi rin ng opisyal na naninindigan ang Camarines Norte IMT na mahigpit nilang ipatutupad ang Executive Order na ipinalabas ng Gobernador kabilang na dito ang Mandatory Antigen test sa lahat ng papasok sa Camarines Norte
Nitong January 11, 2021 ang tanggapan ng Gobernador ay nagpadala na rin ng katugunan sa DILG Bicol kung saan binigyang katuwiran nito ang kanyang pagpapatupad ng mandatory Antigen test.

