Cam Norteños nag- alay ng ilang sandaling katahimikan upang ipagdasal ang mga nasawing rescue team ng Bulacan PDRRMO sa kasagsagan ng bagyong Karding

CAMARINES NORTE- Nag- alay ng ilang sandaling katahimikan kahapon ang ilang opisyal at kawani ng Provincial Government ng Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Ricarte “Dong” Padilla para ipagdasal ang mga nasawing rescuer ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa kasagsagan ng bagyong Karding.

Bago matapos ang programa para sa ika- 112 taong anibersaryo ng kapangankan ng bayaning si Wenceslao Q. Vinzons, hiniling ng tagapagpadaloy na si Museum Curator Head at historian na si G. Abel Icalto sa mga dumalo na ipagdasal ang mga nasawing rescuers.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, tulad ni Bintao sinuong ng mga responders ang panganib na hindi na iniisip ang kanilang sarili o pamilya.

Matatandaan na sa ulat mula sa Central Luzon regional police, kinilala ang mga biktima na sina Narciso Calayag, Jerson Resurecion, Marvy Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agusin.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa isang panayam kay Bulacan Governor Daniel Fernando, sakay ang mga rescuer ng bangka patungo sa kanilang misyon nang magkaroon ng flash flood at nabagsakan sila ng pader.

Nabanggit ni Icatlo ang pagbibigay ng importansiya sa mga rescuers lalo na ang mga nagbubuwis ng buhay sa panahon ng kalamidad.