Cagayan Gov. Mamba – pumalag sa alegasyong P2M kapalit ng degree ng Chinese students

Nagbabayad umano ng P2 milyon ang ilang Chinese students sa Cagayan para makakuha ng diploma.

Ito ang ibinunyag ng isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas na si Chester Cabalza, matapos ang napaulat na pagtaas ng presensya ng mga estudyanteng Chinese sa lugar.

Marami raw sa mga estudyanteng ito ay hindi pumapasok sa kanilang mga klase.

Ayon kay Cabalza, ang mga institusyong nagbibigay ng college education o masters’ degree sa mga estudyanteng ito ay ginagamit bilang “milking cows”

Dahil dito, naniniwala si Cabalza na dapat mas maging mahigpit ang gobyerno sa pagpoproseso ng visa ng mga dayuhang estudyante.

Samantala, itinanggi naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang alegasyon at sinabi nito na legal na pumasok sa bansa ang mga mag-aaral na Chinese sa Lalawigan upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa ilalim ng partnership ng Chinese learning institution at Commission on Higher Education (CHEd).

Aniya, ‘unfair’ daw ito, at pawang paninira lamang.

Sinabi pa ni Mamba na ‘di niya nakikitang isang banta sa national security ang bilang ng mga Chinese students sa Lalawigan.

Bago ito, una na niyang nilinaw na ayon sa datos ng CHEd – nasa 400 Chinese students lamang ang nasa Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *