CAAP, nag-abiso na sa mga piloto matapos ang phreatic eruption ng Mayon Volcano

Nag abiso na sa mga piloto ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iwasang lumapit sa Mayon Volcano dahil sa phreatic eruption na naganap kahapon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sinabi ng CAAP sa kanilang notice to airmen (NOTAM) na hindi pinahihintulutan ang mga flights na mag-operate malapit sa bulkan dahil maaaring magdala ng panganib sa sasakyang panghimpapawid ang abo mula sa biglaang phreatic eruption.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Ayon sa Phivolcs, tumagal ang pagsabog ng apat na minuto at siyam na segundo batay sa seismic record.

Nanatili ring nasa Alert Level 2 ang Mayon Volcano.