Nakatanggap ng P128.2 bilyong alokasyon para sa taong ito ang 113 state universities and colleges sa buong bansa, na mas mataas ng P27.3 bilyon kaysa sa inisyal na proposed budget.
Lubos na pinasalamatan ni Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) president Dr. Tirso Ronquillo si House Speaker Martin Romualdez sa pagtulong sa kanyang organisasyon na makakuha ng karagdagang pondo.
Pinasalamatan din ni Ronquillo si Romualdez sa paggamit ng “unprogrammed funds” na kakailanganin upang bayaran ang mga libreng higher education (FHE) deficiencies sa school years 2022 at 2023.
Tiniyak din ni Romualdez ang pagsisikap ng gobyerno na unahin ang badyet para sa mga institusyong pang-edukasyon na pinamamahalaan ng estado.