Publiko, binalaan ng DICT kaugnay sa mga cybersecurity threat

Nagbabala ang Department of Information and Communication Technology o DICT sa publiko hinggil sa mga nagsusulputang iba’t ibang cybersecurity threat.

Sa Saturday news forum iniisa isa ni DICT Usec. Jeff Ian Dy ang ilan sa mga ito.

Kabilang dito ang “robocall” at “deepfakes”, na maituturing daw na advanced o enhanced version ng budol-budol dahil ang ginagamit na ay boses at mukha ay AI generated.

Read More:  Marcoleta drops ‘Senator’ title for Ping Lacson

Sa katunayan, may ilan na anyang media personality sa Pilipinas na nabiktima nito, kung saan ginagamit ang kanilang mukha at boses para mag endorso ng mga produkto.

Ang ikinababahala pa ng DICT, magamit ang mga naturang AI-driven technology sa nalalapit na eleksyon.
Pwede raw kasing magamit ang mga tools na ito para gumawa ng mga pekeng balita tungkol sa isang kandidato, na papaniwalaan naman ng netizen.

Read More:  DSWD defends 4Ps amid Meralco billing issue

Bagamat hindi pa talamak ang gumagamit nito sa Pilipinas, pero mahigpit na anya nila itong binabantayan.

Kaya inabisuhan na ng DICT ang PNP, NBI pati na ang media para maging aware ang publiko.