Byuda, pina-amo at pina-ibig ang pumatay sa asawa, para mag-higanti

PINA-AMO at pina-ibig ng isang byudang babae ang lalaking sangkot sa pagpatay sa kanyang asawa, para maisakatuparan ang kanyang binabalak na paghihiganti.  

Sa kagustuhang makamit ng babae ang hustisya, natuklasan nito kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang asawa, at doon isinumpa na hindi siya papayag na hindi ito managot sa ginawa nitong  krimen.

Napag-alaman niya na ang killer na kinilala na si Ruben Dario Viloria Barrios ay isang Colombian drug trader na nagpapanggap sa ilalim ng pangalan na “Juancho” isang god fearing na mahilig sumimba para maiiwas ang kanyang pagkakakilanlan.

Nadiskubre din ng babae na si Ruben alyas “Juancho” na  sangkot  sa malakihang trade ng mga narcotics mula sa  ibang bansa ang nasabing personahe at kabilang rin sa mga taong involved sa pagpatay at pagkidnap ng kanilang mga kalaban sa negosyo.

Dahil diyan upang mapalapit at mas mapadali ang plano niyang paghihiganti ay agad siyang kumilos at gumawa ng paraan para mapa-amo at mapa-ibig ang nasabing lalake.

Naging matagumpay naman ang kanyang plano dahil si Ruben ay nahulog rin sa kanyang bitag, inamin nito sa kanya ang mga krimeng nagawa at kung sino at anong klaseng tao talaga siya.

Matapos na makalap lahat ng mga ebidensiya kailangan niya laban kay Ruben agad na niya itong ipinagbigay–alam sa mga opisyal, kung saan haharap ito sa 22 taong pagkakakulong.###CD.