Byuda ni Nene Pimentel, pumalag sa pagpili sa PDP-Laban Cusi faction

Kinundena ng byuda ni dating senador Nene Pimentel ang naging desisyon ng Commission on Elections na katigan ang petisyon ng paskyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa agawan sa pagiging legitimate party members ng PDP-Laban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bing Pimentel ang pagkadismaya nito sa pagpili ng COMELEC sa Cusi wing, imbis na sa paksyon nina Senador Koko Pimentel, at Senador Manny Pacquiao.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Muli ring ipinunto ni Bing na kaya itinatag ang PDP-Laban noon ng kanyang asawa ay para tutulan ang diktadurya ng pamilya Marcos – bagay na nabalewala dahil sa pag-suporta ng Cusi faction sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Katawa-tawa raw isipi na ang Nene Pimentel PDP-Laban ay naging Marcos PDP-Laba allies na.

Nakalulungkot daw na ang Pilipinas ay unti-unti nang nadadala ng kasinungalingan kaya tayo patuloy na nalilinlang at nagagamit.

Bago ito, una nang sinabi ni Senador Koko na maghahain ito ng mosyon para tutulan ang desisyon ng COMELEC.
#