Bagong Clark terminal, makatutulong sa pag-recover ng turismo – DoT

Umaasa ang Department of Tourism na malaki ang maitutulong ng bagong tatag na Clark International Airport sa muling pagbangon ng sektor ng turismo sa bansa.

Sa isang panayaam, sinabi in Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang pagkakatayo ng paliparang ito ay magrerseulta ng mas maraming arrivals at makahihikayat pa ng mga foreign tourists na bumisita sa Pilipinas.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Maliban pa rito, mas madali raw makabibisita ang mga turista sa hilagang bahagi ng Luzon dahil hindi na nila kinakailangang lumapag pa sa NAIA.

Dahil dito, inaasahan umanong darami ang bilang ng mga turista sa mga tourist destinations sa Norte kagaya na lamang ng Baguio, La Union, Ilocos, at Baler.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Mababatid na inaasahang aabot sa 8 milyong pasahero ang capacity ng naturang paliparan kada taon.

Una nang nag-offer ng direct flights papunta sa Clark International Airport ang ilang mga airlines mula sa South Korea.
#