Nakatakda nang ilabas ng Department of Health sa susunod na linggo ang resulta ng isinagawang sequencing sa mga turista na nagositibo sa COVID-19 sa Palawan.
Mababatid na mayroong 14 na mga turista at isang local crew member ang na-infect ng virus matapos ang kanilang bakasyon sa Tubbataha Reef.
Sa isang pahayag, sinabi ng DoH na 12 sa samples nito ang eligible sa sequencing at ipinadala na sa RITM.

Matatandaang mayroong 43 na kabilang sa isang mini cruise line. Dumating ito sa Puerto Prinecesa City Port noong April 22; kung saan ay nagpositibo ang 15 indibidwal noong April 29.
Sa 15 na mga infected, 5 ang unang napaulat na mayroong mild symptoms, ngunit asymptomatic na ang lahat ng ito sa kasalukuyan.
Bago ito, una nang tiniyak ni Palawan Governer Jose Chavez Alvarez na mayroong maayos na health care measures na nakalatag para sa mga turista at maging sa mga local residents.
Tiniyak nito na handa ang Lalawigan sa pagtanggap ng mga turista.
#