Businessman, patay matapos aksidenteng mabaril ng kainuman sa San Antonio, Quezon

Patay ang isang businessman matapos itong aksidenteng mabaril ng noo’y kanyang kainuman sa Barangay Callejon, San Antonio, Quezon nitong Martes, Mayo 9.

Kinilala ang biktima na si Isidro Alphie Ipunla, 39-anyos at residente ng naturang lugar.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ayon sa report, nag-inuman noon ang biktima at ang suspek na si Edilberto Iloso, 55-anyos, kasama ang kanilang pinsan at bayaw nang bumunot ng baril ang suspek at aksidente umanong mapaputok ito.

Tumama ang bala ng baril sa kanang kamay at kanang bahagi ng dibdib ng biktima kung kaya agad rin itong isinugod sa hospital ngunit kalaunan ay binawian rin ito ng buhay.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Samantala, ang suspek naman ay agad na tumakas matapos ang insidente.

Kasalukuyan ng inihahain ang kasong Homicide laban sa naturang suspek.