18 kaso ng COVID-19, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Nakitaan na naman ng bahagyang pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay kahapon.

Batay sa tala ng Albay Provincial Health Office (PHO), naitala kahapon ang labingwalong mga kaso, kung saan anim ang nairehistro sa Daraga; tigtatlo sa Guinobatan at Legazpi City; parehong dalawa sa Bacacay at Malilipot; habang tig-isa naman sa Ligao City at Polangui.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Mas mababa ito kung ikukumpara sa mahigit dalawampung mga kaso noong mga nakaraan.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Samantala, patuloy ang paalala ng PHO na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan na ang pagkalat nito.