Business sector, kinilala ang kontribusyon ni dating ex-pres. Noynoy sa ekonomiya

Kinilala ng business sector ang mga nagawa ni dating Pangulong Noynoy Aquino para sa ekonomiya ng bansa.

Binigyang puyag ng Management Association of the Philippines na binubuo ng daan-daang mga negsyante ang kontribusyon ni Aquino sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Pilipinas kabilang ang pagpapaganda ng credit rating, grade at pagtaas ng foreign direct investment.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Binigyang pugay din ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang nagawa ng dating pangulo at sinabing sa ilalim ng pamumuno ni Aquino, nagkaroon ng reporma at gumanda ang ating investment grade.

Kabilang umano sa mga kontribusyon ni PNoy ay ang pagpapalago ng gross domestic product (GDP) na umabot sa 6.2 percent, at pagpapababa sa inflation rate sa 1.4 percent.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Samantala, pinuri rin ng mga business leader ang nagawa ni Aquino para sa bansa pagdating sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi nila na ang arbitral ruling ay katibayan ng international recognition ng ating territorial integrity.