Isa ang patay habang aabot sa halos isandaan ang nawawala matapos gumuho ang bahagi ng isang gusali sa Miami Florida USA.
Sinabi ni Miami-Dade Mayor Danielle Levine-Cava na nasa 102 na tao na ang na-locate nila habang 99 ang unaccounted for.
Naka-rescue na din ng 35 na tao mula sa gumuhong gusali na naitayo noong 1980 ang mga rescuers na ginagamot ngayon sa ospital.
Hindi pa naman malinaw ang dahilan ng pagguho ng halos kalahating bahagi ng 130 units na gusali.
Ayon sa report, maraming Latin American migrants ang kasama sa mga nawawala ayon sa report ng kanilang mga konsulada.
Kabilang sa mga missing ang mga kaanak ng first lady ng Paraguay.
