Clippers nakabawi kontra Suns sa Game 3 ng WCF

Nakabawi ang Los Angeles Clippers sa Game 3 ng NBA Western Conference Finals kontra Phoenix Suns, 106-92.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Clippers sa serye matapos ang back-to-back losses nito sa home court ng Suns.

Tinuldukan din ng Los Angeles ang 9 straight wins ng Phoenix ngayong playoffs.

Hindi ininda ng Clippers ang kawalan ng kanilang star player na si Kawhi Leonard matapos magpasiklab si Paul George ng 27 points at 15 rebounds.

Nagdagdag din si Reggie Jackson ng 23 points para sa LA.

Naging maalat naman ang shooting ni Devin Booker at Chris Paul na kapwa pumuntos ng 15.

Gaganapin ang Game 4 ng ECF best-of-seven series sa home court ng Clippers sa Linggo.