Balasahan sa hanay ng DILG officials sa lalawigan ng Camarines Norte ipinatupad sa first working day ng taon, Ray Caceres, papalitan ni Melody Relucio bilang bagong Provincial Director

CAMARINES NORTE- Epektibo simula nitong Martes, Enero 3, sa first working day ng taon ay ipinatupad ang balasahan sa hanay ng mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Pinalitan si Ray Caceres, CESO V ni Melody E. Relucio, CESO V bilang bagong Provincial Director ng DILG Camarines Norte.

Si Relucio na siyang Provincial Director ng DILG Camarines Sur bago ang balasahan ay dati na ring nadestino sa lalawigan bilang Municipal Government Operations Officer ng ilang bayan.

Si Caceres naman na namuno sa DILG Camarines Norte simula noong 2019 ay malilipat ngayon sa Albay bilang Provincial Director.

Major reassignment din ng mga Municipal Government Operations Officer MGOO ang ipinatupad sa Camarines Norte alinsunod sa Memorandum ni Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Si LGOO VI Krystian Vencer M. Guerero na mula sa Labo ay nailipat sa Mercedes bilang MLGOO.

Si LGOO VI Joel Emory R. Villa na MLGOO ng Jose Panganiban ay napunta sa San Lorenzo Ruiz.

Mula sa bayan ng Paracale ay nalipat naman si LGOO VI Gerardo L Mallapre bilang MLGOO ng Vinzons.

Si LGOO VI Mary Ann B. Bolo na MLGOO nang San Lorenzo Ruiz ay inilipat sa Labo.

Si LGOO VI Odessa O. Robrigado na mula sa Vinzons ay itinalagang MLGOO ng Jose Panganiban.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Galing Mercedes ay magiging MLGOO naman ng Daet si LGOO VI Shiela Cada kapalit ni LGOO VI Milrose E. Abilay na napunta sa Paracale.

Habang si LGOO V Lara Mae P. Baptisma ay napunta naman sa Basud bilang OIC MLGOO.

Ang mga MLGOO na mananatili sa kanilang kasalukuyang assignment ay sina Rannel Domasig ng Talisay, Joseph Joey Brondial ng San Vicente, Lovella Tolosa ng Capalonga at Francisco Deocareza Jr, ng Sta Elena.

Kadalasan na nagkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga MLGOO kada apat na taon pero ngayon ay nagkaroon agad ng galawan kahit wala pang apat na taon.