Bushfire, naitala kagabi sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nasunog kahapon ang ilang bahagi ng Mt. Binakuhan, Sitio San Isidro, Brgy. Puro sa lungsod ng Legazpi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi, bandang 5:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente na agad naman nilang nirespondehan, kung saan tumagal ng higit isang oras ang pag-aapula nito.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Hindi naman gaano kalaki ang pinsala subalit mabilis na kumalat ang apoy dahil tuyo ang dahon at mainit ang panahon at napag-alaman din na mayroong nagsusunog sa lugar at ito ay pinabayaan.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Dahil dito, payo ng BFP na huwag iwanang may apoy ang talahiban upang maiwasan ang kaparehong insidente.