Bus ng EDSA carousel, nasunog; dalawa, sugatan

Nagliyab ang isang bus ng EDSA carousel busway sa Makati City kahapon.

Nangyari ang insidente bandang alas-9 ng gabi malapit sa corner ng EDSA at Ayala Avenue.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa drayber ng bus, una niyang nakita ang usok bago ang pagliyab kaya agad niyang itinigil ang bus at binuksan ang pinto.

Nagmadaling makalabas ng sasakyan ang pasahero na nagdulot na ng pagtutulakan, dahilan upang masugatan ang dalawa nitong sakay.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa representative ng BovJen Bus Company, nadala na ang naturang mga pasahero sa ospital.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection – Makati City upang matukoy ang pinagsimulan ng sunog. (MANIBELA PHOTO)