Buong pamilya ni Sharon, excited sa pagbabalik teleserye ng Mega Star

Excited na ang buong household ng aktres na si Sharon Cuneta sa pagsali nito sa cast ng FPJ: Ang Probinsyano, na pinakamahabang action-drama series sa telebisyon.

Sa isang virtual press conference, ay sinabi ni Sharon na agad niyang tinaggap ang proyekto sa kabila ng pandemya at kahit malayo pa siya sa kaniyang pamilya.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Ipinunto ni Sharon na ang nasabing palabas ay hango sa orihinal na trabaho ng kaniyang “best friend” sa show business na si Fernando Poe Jr.

Ayon kay Sharon, dahil kay Coco Martin ay nanatiling buhay ang legasiya ni FPJ at sa katunayan ay lalo pa itong kuminang.

Read More:  Julie Vega’s brother debunks supernatural stories surrounding actress’s death

Bukod kay Coco, ay pinasalamatan rin ng Mega Star ang asawa ni Da King na si Susan Roces.

Ibinahagi naman ni Sharon na inihahanda na niya ang kaniyang sarili mentally at physically para sa locked in taping ng drama-action series.