Bulusan, isa sa bayan na tinukoy ng DOH-Bicol na may mataas na rate ng pagbabakuna sa National Vaccination Day

SORSOGON CITY – Isa ang bayan ng Bulusan, Sorsogon sa rehiyong Bicol na may pinakamataas na performance rating sa katatapos na National Vaccination Day drive laban sa Covid-19.

Ayon sa ahensya, nakapagrehistro sila ng  kabuuang 635,459 na nabakunahan na mga indibidwal sa panahon ng “Bayanihan Bakunahan’’ noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Maliban sa bayan ng Bulusan, tinukoy din ng ahensya ang mga LGUs na umabot sa mahigit 100% ang vaccination rate, kinabibilangan ito ng lungsod ng Legazpi, munisipalidad ng Bagamanoc, Baras, Gigmoto at Panganiban sa Catanduanes at Cabusao, Camarines Sur.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Sa lalawigan naman ay naitala ng Catanduanes ang 92% performance rate; sinundan ito ng Camarines Sur, 61%; Albay, 56%; Sorsogon, 55%; Camarines Norte, 46% at Masbate, 39%.