Bulkang mayon sa Albay, nakapagtala ng 3 volcanic earthquake sa loob ng 24 oras

LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ng volcanic earthquake ang bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa loob ng 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa buong 24 oras na pagmamanman ng PHIVOLCS, nagkaroon ng tatlong pagyanig mula sa bulkan at mahinang banaag o crater glow.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Sa parehong anunsiyo, naitala rin ang 391 toneladang sulfur dioxide flux at katamtamang pagsingaw na napadpad sa gawing kanluran-timog-kanluran.

Samantala, nakita rin ang bahagyang pamamaga sa bulkan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kung babalikan, nitong nagdaang linggo ay nagkaroon ng halos seryeng pagyanig mula sa bulkan batay sa anunsiyo ng PHIVOLCS, habang wala pa namang paliwanag ang nasabing opisina rito.

Nananatiling nasa alert level 1 ang status ng Mayon, gayunpaman, pinag-iingat pa rin ang lahat sa posibleng panganib na dulot nito.