Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo

SORSOGON CITY–Isang linggo matapos na maitala ang unang pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan ay muli itong nagkaroon ng phreatic eruption ngayong Linggo, Hunyo 12.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang panibagong pagbuga ng abo mula alas 3:37 hanggang 3:55 kaninang umaga.
Ang 18 minutong steam drivern eruption ay nadetect base sa seismic record at hindi gaanong visible sa camera monitors.
Nananatili sa Alert Level 1 ang estado ng bulkan na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal condition kung kaya patuloy ang paalala sa publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ibayong pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) dahil sa posibilidad ng biglaang pagbuga ng abo ng bulkan.
Inaabisuhan din ang mga residenteng malapit sa mga river channels lalo na sa Timog silangan, Timong Kanluran at Hilagang kanlurang bahagi ng dalisdis ng bulkan na mag-ingat sa posibleng lahar flow lalo na kung magpapatuloy ang mga pag-ulan.
Una rito ay inilikas muli nitong Biyernes ang mga residente ng Barangay Puting Sapa sa bayan ng Juban, Sorsogon matapos na mamonitor ang pagtaas ng volcanic activity ng Bulusan volcano.###

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives
Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting