Bulkan sa Central America, pumutok

Muling pumutok ang Bulkang Fuego, na isa sa mga aktibong bulkan sa Central America.

Ang pagsabog ng naturang bulkan ay may kasamang lava at abo, dahilan upang saraduhan ang ilang mga kalsada sa Guatemala.

Magdamag umanong nagpakita ng mga sensyales ng nalalapit na pagsabog ang bulkan, gaya ng pagkahulog ng mga bato mula sa bulkan at pagbuga ng abo na umaabot sa taas na dalawang kilometro.

Ayon sa spokesman ng highway police, pansamantalang hindi pwedeng daanan ang central Guatemala.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng awtoridad para sa kalagayan ng bulkan. // SMM