Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na nagpasalamat siya kay US President Joe Biden dahil sa patuloy na suporta ng Washington sa kanilang bansa mula pa noong salakayin sila ng Russian troops noong Pebrero.
Sinabi ni Zelensky na noong nagkausap sila ni Biden sa telepono inihayag niya ang pasasalamat sa defense at financial assistance ng Amerika sa kanila.

Ayon kay Zelensky, malaking bagay ang tulong ng America hindi lamang sa kanilang tagumpay sa giyera kundi pati na rin sa stability ng ekonomiya ng kanilang bansa.
Binigyang diin pa ng Pangulo na labis din ang pasasalamat nila sa America sa pagtulong sa kanila para maibalik ang energy system ng kanilang bansa na nasira dahil sa mga missile strike ng Russia.
Matatandaan na unang nagpahayag ng pag-aalala si Zelensky para sa kanyang mga kababayan dahil sa winter gayung may problema sila sa suplay ng kuryente.