Tumaas muli ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila.
Sa ulat ni OCTA Research fellow Guido David, nitong December 10 ay pumalo na sa 14.4% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), mula sa 12.4% noong December 3.
Bukod sa nasabing lugar, umabot na rin sa 57.9% ang positivity rate sa probinsya ng Kalinga.
Higit na mas mataas ito kaysa sa 20.8% na positivity rate ng probinsya noong December 3.
Tumaas din ang positivity rates sa
Nueva Ecija – 49%; Cagayan sa 26.3%; Rizal – 23%, Mountain Province – 16.7%; Pampanga 13.3%; Cavite – 12.8%; Quezon 12.8%; Batangas na may 9.2%; at Bulacan sa 8.3%.
Samantala, kabilang naman ang Bataan, Benguet, at Laguna sa mga probinsyang bumaba ang positivity rate.
Ayon sa World Health Organization, para masabing under control ang pagkalat ng virus, dapat ay nasa 5% lang o mas mababa pa ang positivity rate.
Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga sumasailalim sa COVID-19 testing.

