Bulan, nanguna sa lalawigan sa pagbabakuna sa mga priority groups

SORSOGON CITY – Sa 14 na bayan sa lalawigan, nanguna ang Bulan, Sorsogon sa pagbabakuna sa mga A1 hanggang A3 priority groups.

Ito ang lumabas sa datos ng Sorsogon Provioncial Health Office (SPHO) kung saan nasa 5,784 na ang nabakunahan.

Sa nasabing bilang, 3, 871 dito ay partially vaccinated habang nasa 1,913 ang fully vaccinated.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ang Bulan ay sinundan ng Irosin na may kabuuang 5, 317 ang nabakunahan kung saan ang 3,987 ay partially vaccinated habang ang 1,330 ay fully vaccinated na.

Pumangatlo ang bayan ng Matnog kung saan sa kabuuang 4,263 na nabakunahan, 3, 184 ang partially vaccinated habang 1, 079 ang fully vaccinated.

Ang bayan naman ng Castilla ay may naitalang 3, 928 na nabakunahan kung saan ang 2, 691 ay partially vaccinated habang ang 1, 237 ay bakunado na.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa bayan naman ng Casiguran ay may partially vaccinated na umabot sa 1, 890 at 1,160 ang fully vaccinated sa kabuuang 3, 050 na nabakunahan.

Samantala, ang bayan ng Magallanes ang may pinakakonti na nabakunahan na umabot lamang sa 1, 441; may 1, 049 na partially vaccinated habang 392 ang bakunado na.