Tahasang inamin ng aktor na si Bugoy Cariño na sumagi sa kanyang isip na ipalaglag ang kanilang anak ng volleyball player na si EJ Laure.
Ayon kay Cariño, natakot umano siya sa magiging epekto nito sa kanyang showbiz career at 16 years old pa lang siya noon.

Matapos ang ilang linggo ay napagtanto umano ng young actor na para na din siyang pumatay ng bata kung ipapalaglag niya ang kanilang anak.
Samantala, sinabi ni Cariño na dahil umano ito sa sinabi ng kanyang ama na huwag na siyang tawaging tatay kung itutuloy nila ang pagpapalaglag. (ARGIE ERGINA)