Laking gulat ng lahat ang pag-propose ng dating child star na si Bugoy Carino sa kanyang girlfriend na si EJ Laure sa kanyang 21st birthday celebration.
Aniya, nais niyang ipagsigawan sa lahat ng mga kaibigan nito na importante sa kanya si EJ kaya’t papakasalan niya ito.
Yes naman agad ang sinagot ng dating UAAP volleyball player, na ikinatuwa ng lahat ng dumalo.
Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa matapos ianunusyo ng nilang nagbunga na ang kanilang pagsasamahan nang dumating sa buhay nila ang anak nilang si “Scarlett.”
