CAMARINES NORTE – Natangayan ng nasa 100,000 piso ang isang senior citizen sa Camarines norte ng isang grupo ng budol-budol gang.
Ang pangyayari ay naganap noong ika-29 ng Agosto bandang alas 10 hanggang alas-12 ng tanghali sa kahabaan ng Vinzons Avenue Brgy Lag-On tapat ng 7/11.
Sa panayam ng Brigada News FM-Daet sa biktimang si alyas “Mar,” ikinuwento nito kung paano sya nabudol ng mga hindi pa nakikilalang personahe.
Ayon kay tatay Mar, ang pinagsama-samang pera, relo, at alahas ay inilagay umano sa isang bag at ipinadala sa kanya. Mula sa Vinzons Avenue ay pibabyahe sa tricycle si tatay papuntang Central Plaza. Nasa isa’t kalahating oras umano syang naghintay dito ngunit hindi na sya sinipot ng mga ito.
Nang buksan nila tatay Mar ang bag na pinadala sa kanya ay dito na nakita ni tatay na wala rito ang kanyang pera, singsing, relo at ilan pang mga gamit.
Dito na rin napagtanto ni tatay na nabudol sya at agad na pumunta sa Police Station upang ipa-blotter ang pangyayari. Pumunta rin si tatay Mar sa Barangay Hall ng Lag-on upang alamin kung nakunan ba ito ng CCTV camera.
Sa kasalukuyan, patuloy pang naghahanap ang mga opisyales ng Barangay Lag-on ng iba pang kuha ng CCTV Camera upang malaman kung may mas malinaw silang kuha ng pangyayari upang ma-identify ang mga suspek.
