Bucks namumuro na para makapasok sa NBA Finals vs Hawks, 3-2

Isang panalo nalang ang kailangan ng Milwaukee Bucks upang tuluyang makausad sa NBA Finals.

Dinomina ng Bucks ang Atlanta Hawks sa kanilang home court sa Game 5 ng Eastern Conference finals na nagtapos sa 123 – 112.

Kapwa hindi naglaro ang mga star player ng dalawang koponan na sina Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee at Trae Young para sa Hawks dahil sa kani-kanilang injury.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Nagtulong-tulong ang supporting cast ng Bucks para pataubin ang bisitang koponan sa pangunguna ni Brook Lopez na humakot ng 33 points at 4 blocks.

Nag-ambag din sa scoring sina Khris Middleton ng 26 points, Jrue Holiday na may 25 points, at Bobby Portis na may 22 points.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala nanguna sa Hawks si Bogdan Bogdanovic sa kanyang 28 puntos at tig-19 puntos naman ang hinakot nina John Collins at Danilo Gallinari.

Susubukan naman ng Hawks na itabla ang serye sa Game 6 kung saan gaganapin sa kanilang home court sa Linggo.