CAMARINES NORTE – Nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis nitong Martes, August 2, 2022.
Nagrollback sa presyo ng diesel habang nagkaroon naman ng bahagyang pagtaas sa gasolina.
Dahil dito naglalaro na ngayon sa P78. 50 hanggang P83. 69 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P77. 20 hanggang P80. 94 sa kada litro ng gasoline.
Sa Shell Mancruz nasa P78. 70 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel, P83. 69 sa V Power diesel, P78. 95 sa fuel save gasoline at P80. 94 sa kada litro ng v power gasoline.
Sa Seaoil P78. 70 ang presyo ng kanilang exceed diesel, P78. 95 sa Extreme U at P79. 45 sa Extreme 95.
Ganito rin ng presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.
Wala ring pinagkaiba ang presyo nito sa Phoenix petroleum para s akanilang diesel, super unleaded at premium.
Pareho rin ang presyuhan sa katapat nitong Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, xtra advance, XCS habang ang turbo diesel ay bumaba sa P80. 70 mula sa P81. 39 ang kada litro noong nakaraang linggo.
Sa petro gazz naman sa bayan ng Basud nasa P78. 50 ang kada litro ng kanilang DZL Power, P76. 70 sa Prime 91 at P77. 20 sa premium 95.
