Sinagot ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang katanungan ng publiko na may mga itinatagong nasunog, inanay, napunit at nginatngat ng aso na papel at polymer banknotes.
Ayon sa BSP, tinatawag itong mutilated banknotes kung saan maaring dalahin sa kanilang mga banko at ito ang magdadala sa Bangko Sentral.
Base sa BSP Circular No. 829 series of 2014 may tatlong S na sinusuri sa mutilated banknotes kagaya ng dapat ay may 60% na natitira pa sa Sirang pera, may natira sa Signature na makikita sa pera at kita pa ang Security tread.
Nabatid na ibibigay ng BSP ng resulta sa pagsusuri sa mga bangko at idedeposit ang pera sakaling may halaga pa ang mga mutilated banknotes.