4 na Koreano, arestado matapos magsuntukan sa Taguig

Arestado ang apat na Koreano matapos magsuntukan sa The Fort Street, BGC, Taguig kaninang madaling araw.

Ayon sa Taguig police, nakatanggap sila ng report na nag-aaway ang apat na lalaki sa nasabing lugar pero kahit na rumesponde ang mga ito ay hindi pa rin huminto sa away ang mga Koreano.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Nasa kustodiya na ng Taguig Police Sub Station 1 ang mga naaresto habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyaring insidente.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Mahaharap naman ang mga ito sa mga reklamong Alarm and Scandal at Disobedience to a Person in Authority.