Inaaral na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga loan request ng ilang Local Government Units (LGUs) sa bansa bago ilabas ang pondo.
Nais masiguro ng BSP na mahimay-himay muna ang mga request na base sa Monetary Board umaabot na sa mahigit P43 bilyon ang halaga ng inutang ng mga LGU sa unang anim na buwan ng 2023.
Napag-alaman naman na mataas ng 29% ang request for loan na natanggang ng BSP na may bilang na 138 kumpara noong 2022 na may 107 lamang.
Isa naman sa nakikitang dahilan ay ang pagbabalik ng mga government plans and projects isang taon matapos ang 2022 national and local elections ng 2022.