Binigyang-diin ng pamahalaan ang mga economic benefits ng P29.3B pagpapatupad ng Maritime Safety Capability Improvement Project ng Philippine Coast Guard (PCG).
Kasabay nito ay inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA ang tatlong proyektong makatutulong sa PCG at publiko, ang TPLEX extension; pagbili ng limang coast guard vessels; at PBBM bridges project.
Ayon kay NEDA Sec Arsenio Balisacan, malaking bilang mula ng mga Pilipino ang dumedepende sa karagatan at mangingisda.
Sa sandaling magkaroon umano ang mga ito ng access sa mga katubigan para makapanghuli ng isda, mapoprotektahan din ng bansa ang mismong dagat, na siyang makapagpapataas ng economic value.
Nang pag-aralan ng mga economic planners ang benepisyo at mga nagastos sa naturang mga proyekto, sinabi ng mga ito na na-outweigh ang cost, at worth it ang inilaang investment ng pamahalaan.