Testimonial parade, isasagawa ng PMA kay PNP Chief Acorda

Nakatakdang bigyan ng pagkilala ng Philippine Military Academy (PMA) si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. bukas.

Ito’y sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang testimonial parade and review sa PMA sa Baguio City.

Gagawin ang testimonial parade wala ng isang buwan bago magretiro si Acorda.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Inaasahang magbibigay ng mensahe ang PNP Chief kung saan hihikayatin niya ang mga kadete na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa kahalagahan ng katapangan, integridad, at katapatan, na siyang tunay na tanda ng kanilang Alma Mater.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mamaya ay may testimonial dinner si Acorda kasama ang matataas na opisyal ng PNP

Si Acorda ay miyembro ng PMA Sambisig Class of 1991.

Itinalaga siya bilang ika-29 na PNP Chief ng bansa.