Magkakatoo na ang first time in NBA history na father-son duo sa isang koponan.
Ito’y makaraang ma-draft sa Los Angeles Lakers ang panganay ni NBA star LeBron James na si Bronny James.
Si Bronny ang 55th pick sa secound round ng draft.
Ang 6-foot-1 point guard na si Bronny, 19 years old, ay nag-average ng 4.8 points, 2.8 rebounds at 2.1 assists sa isa niyang season sa USC Trojans.
Maaalalang na-diagnose siya na may congenital heart defect, pero na-clear din para makalarong muli.(Jaime A Codizal – Brigada News Intern)