Brigada Eskwela 2023, all set na sa Bicol Region sa susunod na linggo; SDO Legazpi City, host para sa kick-off ceremony

LEGAZPI CITY – All set na sa susunod na linggo sa Bicol Region ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2023 ng Department of Education (DEPED) Bicol, kung saan ang School’s Division Office of Legazpi City ang magiging host para sa kick-off nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DEPED Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, sinabi niya na tuloy-tuloy at aktibo ang kanilang pakikipagkoordinasyon ng ahensya sa host division.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya, isasagawa ang kick-off program sa Agosto 14 sa Gogon Elementary School, Brgy. Gogon ng nasabing lungsod bilang signal na pormal nang uumpisahan ang aktibidad sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Jumamil na ito ay isinasagawa taun-taon bago ang pagbubukas ng klase upang maihanda ang mga paaralan na maging mas malinis, ligtas at maayos para sa mga mag-aaral.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mayroon lamang umanong dalawang linggo upang ihanda ang mga silid-aralan at iba pang mga pasilidad sa paaralan bago ang pasukan.

Samantala, ayon kay Jumamil, ang pagbuukas naman ng klase para sa academic year na ito ay sa darating na Agosto 29.