Brgy. West Bajac-Bajac, nag-iikot para impormahan ang mga residente sa No Segregation, No Collection Policy ng basura

Nag-iikot ang Brgy. West Bajac- Bajac, Olongapo City para impormahan muli ang mga mga residente sa pagpapatupad ng No Segregation, No Collection Policy ng mga basura.

Nitong Lunes ay nagsimula na ang mahigpit na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management sa barangay.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Kgwd. Conrad Hipolito, kinolekta na rin ang mga trash bins na nasa mga kalsada para maiwasan ang paglalagay dito ng halo-halong basura.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Palala nito sa mga residente at mga negosyante na sundin ang proper waste segregation na umiiral alinsunod sa batas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO