Brgy. Tanod, patay matapos umanong tamaan ng kidlat sa Gumaca, Quezon

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa Barangay Casasahan Ibaba, Gumaca, Quezon nitong Lunes, Hulyo 8.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, may mga paso umano sa kanang braso ang biktima kaya hinihinalang tinamaan ito ng kidlat.

Bandang alas-6:00 ng umaga umano nang umalis sa bahay ang biktima para magpastol ng mga hayop sa bukid.

Samantala, nasa pangangalaga na ng pamilya ang labi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *