Brgy. Kagawad arestado sa iligal na droga; 50 gramo ng shabu, narekober

Arestado ang isang incumbent Barangay Kagawad sa anti-illegal drugs operation sa Brgy Tanque, Pio V Corpuz, Masbate, matapos ito makuhanan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Pio V Corpuz Police, ang suspek ay si Leandro Daligdig Batuto alias Yan Yan, 33-anyos.

Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng implementasyon ng search warrant sa Sitio Sanggutan sa nasabing barangay dahil sa pagmamay-ari ng iligal na droga.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Si Batuto umano ay isang high-value target personality, ayon sa Pulisya.

Nasamsam sa posesyon nito ang 5 large-sized sachet at 5 medium sized sachet na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P340K at dalawang bala para sa kalibre .45 na pistola.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Kahaharapin ng suspek ang kambal na kasong paglabag sa section 5 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act.